Walang buhay na baging silang na sanggol natagpuan sa palikuran ng isang park

Bandang alas-8:40 ng umaga, isang napadaang tao ang nag-alerto sa city office na mayroong naririnig na parang “iyak ng pusa sa loob ng palikuran.”

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI (TR) – nagsasa-gawa ng imbestigasyon ang Aichi Prefectural Police matapos madiskubre ang bangkay ng isang bagong silang na lalaking sanggol sa loob ng isang palikuran ng park sa lungsod ng Nishio nuong Martes, ayon sa ulat ng Kyodo News (June 2).

Bandang alas-2:50 ng hapon, isang empleyado ng lungsod ang tumawag sa Nishio Police Station ukol sa isang bangkay ng isang sanggol na natagpuan sa loob ng isang palikuran ng Sumizaki 1 Go Park.

Ayon sa mga pulis, isang walang damit na sanggol na mayroon pang umbilical cord na naka-kabit na naka- ang lagay sa loob ng isang plastic bag ang natagpuan nito.  Wala namang nakitang sugat sa katawan ng sanggol.

Natagpuan sa loob ng palikuran ng isang park ang walang buhay na bagong silang na sanggol sa lungsod ng Nishio nitong Martes. (Twitter)

Bandang alas-8:40 ng umaga, isang napadaang tao ang nag-alerto sa city office na mayroong naririnig na parang “iyak ng pusa sa loob ng palikuran.”

Ang empleyado ng lungsod ay agad namang tinignan ang nasabing palikuran, ito ay para sa parehong babae at lalaki na bumubisita sa park. Ngunit, nang ito ay pumunta roon, mayroong gumagamit ng nasabing toilet at wala namang narinig na parang iyak o ingay, kung-kaya`t ang empleyado ay umalis din agad.

Nang ang empleyado ay muling bumalik bandang alas-2:30 ng hapon, nakita nilang duguan ang loob nito at agad namang natagpuan ang labi ng sanggol na naka-silid sa isang bag.

Pinag-hahanap na sa ngayon ang babaeng nag-silang at nag-iwan sa sanggol sa loob ng palikuran.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund