Lindol na magnitude 6.2 yumanig sa Silangang Japan, kabilang ang Tokyo

Ang Prepektura ng Chiba at  Ibaraki ay dumanas ng maraming lindol kamakailan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Tokyo- Isang lindol na may lakas na 6.2 magnitude ay yumanig sa Silangang Japan noong Huwebes, ayon sa Japan Meteorological Agency. Wala naman nabanggit na babala ng tsunami.

Ang lindol ay naganap dakong 4:30 ng umaga sa lalim na halos 30 kilometro, na nagrehistro lower 5 sa seismic intensity scale ng 7 sa Asahi, Prepektura ng Chiba, malapit sa Tokyo.

Walang agarang ulat ng pinsala o malaking sira mula sa pagyanig. Sinabi ng East Japan Railway Co na sinuspindi nito ang serbisyo sa mga seksyon ng linya sa Prepektura ng Chiba kasunod ng lindol.

Ang lindol ay naramdaman din mula sa gitnang Japan hanggang Northeastern Japan, na may medyo malakas na pagyanig sa kapital ng Japan at sa mga nakapaligid na lugar sa metropolitan.

Ang intensity lower 5 ay nangangahulugang maraming tao ang natatakot at nakaramdam ng pangangailangang humawak sa isang matibay at matatag na bagay.

Ang Prepektura ng Chiba at  Ibaraki ay dumanas ng maraming lindol kamakailan.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund