Lalaki patay matapos tumalon sa harap ng tren sa Yamanote Line sa Shibuya Station

Sa pagsusuri sa isang security camera footage na-mataan ang lalaki ay sadyang tumalon sa platform.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspLalaki patay matapos tumalon sa harap ng tren sa Yamanote Line sa Shibuya Station
Isang lalaki ang namatay matapos tumalon sa harap ng Yamanote Line Train sa JR Shibuya station nitong Lunes. (Twitter)

Tokyo- Isang lalaki ay namatay matapos siyang tumalon sa riles sa istasyon ng tren sa Shibuya Ward, nitong Lunes, ayon sa ulat ng TBS News ( Hunyo 29).

Bandang 8:30 ng umaga, isang lalaki na nasa edad 20, ay tumalon mula sa isang platform sa JR Shibuya Station, sa harap ng paoarating na tren ng Yamanote Line.

Ang mga emergency personnel ay agarang rumisponde,sa pinangyarihan na lugar, kung saan ang biktima ay kinumpirmang patay, ayon sa pulisya.

Sa pagsusuri sa isang security camera footage na-mataan ang lalaki ay sadyang tumalon sa platform. Ang isang litrato na nai-post sa twitter ay nagpakita ng pagkabasag ng windshield ng tren.

Ayon naman sa East Japan Railway,ang insidente ay nagdulot ng pagkaantala sa outer track ng loop line na umabot ng halos isang oras ,at nakaabala sa 17,000 na pasahero.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund