Kagoshima: Bangkay ng isang babae natagpuan sa port.

isang pasahero sa Kamoike Ferry Terminal ang nagalerto sa kapulisan matapos makita ang labi ng babae na lumulutang sa tubig.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspKagoshima: Bangkay ng isang babae natagpuan sa port.
Nuong ika-26 ng Hunyo ay natagpuan ang bangkay ng isang babae sa port ng Kagoshima City. (Twitter)

Kagoshima- Iniulat ng Kagoshima Yomiuri Television ( Hunyo 26) na ang Kagoshima Prefectural Police ay naglungsad ng isang imbestigasyon matapos matagpuan ang bangkay ng isang babae sa port ng Kagoshima City.

Ilang minuto makalipas ang 7:00 pm ng Hunyo 26, isang pasahero sa Kamoike Ferry Terminal ang nagalerto sa kapulisan matapos makita ang labi ng babae na lumulutang sa tubig.

Kinumpirma ng mga emergency personnel na rumesponde sa pinangyarihan ng insidente na patay na ang biktima.

Tinatayang nasa middle-age at tumatayong 160 sentimetro ang taas ng babae. Nakasuot ng puti at orange stripes ang tshirt at kulay abong pantalon. May suot ding salamin ang biktima at wala din mga bakas ng sugat, sabi ng pulisya.

Dagdag pa ng pulisya, kanilang inaalam ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at kasalukuyang ina-alam ang pagkakakilanlan nito.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund