Isang pang-karerang kabayo ang bumangga sa isang van, matapos maka-wala sa kwadra sa Shinagawa

Ayon sa mga pulis, binangga umano ni Saint Memory (lalaking kabayo) ang tagiliran ng isang puting van sa Yashiobashi intersection sa Oi  area bandang alas-11:00 ng umaga.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) – ayon sa mga pulis, isang retiradong pang-karerang kabayo ang bumangga sa isang kotse sa intersection sa Shinagawa Ward matapos itong maka-takas  mula sa kanyang kwadra nuong Lunes, mula sa ulat ng NHK (May 25,)

Ayon sa mga pulis, binangga umano ni Saint Memory (lalaking kabayo) ang tagiliran ng isang puting van sa Yashiobashi intersection sa Oi  area bandang alas-11:00 ng umaga.

Ang kabayo ay mabilis na ibinalik sa Oi race course ng hindi sinasabi kung ano ang napinsala rito, kahit na makikita sa kalsada ang nagkalat na hinihinalang dugo.

Ipinakita sa footage ang kuha ng NHK na sirang bintana at malaking yupi sa gilid ng van.

Bago pa mangyari ang insidente, ang kabayo ay nakawala sa kanyang kwadra sa karerahan. Ang intersection ay may layong 1.5 km mula sa kanyang kwadra.

Sa isang kuha mula sa security camera, ang kabayo ay makikitang tumatakbo sa salungat na direksyon ng mga kotse.

Sa loob ng kanyang 8 taong karera, ipinanalo ni Saint Memory  ang 17 karera. Nag-retiro ito nuong taong 2016. Sa kasalukuyan, siya ay nag-sisilbing guide horse sa Oi Racecourse.

Source: Tokyo Reporter

Video: YouTube

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund