Doctor arestado sa pangmomolestiya sa pasyente nung nagpa-examine ito

Inaresto ang isang 36-taong-gulang na doktor sa hinalang sekswal na pang-aabuso ng isang 23-anyos na babae noong sinusuri niya ito sa kanyang klinika noong Marso. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspDoctor arestado sa pangmomolestiya sa pasyente nung nagpa-examine ito

HYOGO

Ang pulisya sa Amagasaki, Hyogo Prefecture, ay inaresto ang isang 36-taong-gulang na doktor sa hinalang sekswal na pang-aabuso ng isang 23-anyos na babae noong sinusuri niya ito sa kanyang klinika noong Marso

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa pagitan ng 1 p.m. at 2 p.m. noong Marso 19 sa isang klinika ng psychosomatic, iniulat ng Fuji TV. Noong Abril, ang babae ay kumunsulta sa pulisya at nagsampa ng isang kriminal na reklamo laban sa doktor na si Masayuki Kita, na diumano’y pinaghihipo ang iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan habang sisusuri siya nito. Sinabi niya sa pulisya na pinagsabihan niya ang doktor na tumigil ito at madalian siyang lumabas ng klinika.

Sinabi ng pulisya na si Kita ay umamin sa bintang sa kanya ngunit ayon sa kanya may relasyon sila ng babae. Gayunpaman, sinabi naman ng babae sa pulisya na wala siyang relasyon sa doktor.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund