Dalawang bata hinostage sa isang restaurant sa Fukuoka

Ang mga pulis sa Fukuoka Prefecture, kanlurang Japan, ay nagsabi na may isang lalaking armado ng kutsilyo na nagkulong sa loob ng isang restaurant sa Fukuoka City noong Martes ng umaga at nang-hostage ng dalawang batang babae. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspDalawang bata hinostage sa isang restaurant sa Fukuoka

Ang mga pulis sa Fukuoka Prefecture, kanlurang Japan, ay nagsabi na may isang lalaking armado ng kutsilyo na nagkulong sa loob ng isang restaurant sa Fukuoka City noong Martes ng umaga at nang-hostage ng dalawang batang babae.

Sinabi nila na ang mga batang babae ay may edad na tatlo at anim at sila ay mga anak ng may-ari ng restaurant. Sinabi rin nila na ang hostage-taker ay isang dating empleyado ng store.

Nabatid sa pulisya na ang lalaki, na nasa edad na 30, ay pumasok sa restaurant na ang specialty ay mga eel dishes, bandang mga 8:30 a.m. at nagkaroon ng pagatatalo sa pagitan ng may-ari at suspect.

Sinabi nila na wala silang natanggap na ulat na nasugatan ang mga hostage.

Ang mga pulis ay nakikipag-negotiate na para sumuko ang lalaki.

Ang footage na kinuha mula sa isang helikopter ng NHK ay nagpapakita ng mga opisyal ng pulisya at bumbero na nakapaligid sa gusali kung saan matatagpuan ang restaurant. Dalawang ambulansya ang naka-stand by din.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund