Boss, sinuntok ang kanyang employee dahil pumasok ito sa trabaho kahit sinabihan na manahimik sa bahay dahil sa Covid-19

Sinuntok ng isang boss ang kanyang empleyado matapos suwayin nito ang utos na maghome quarantine at sa halip ay sumulpot pa ito sa kanilang gemba. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO

&nbspBoss, sinuntok ang kanyang employee dahil pumasok ito sa trabaho kahit sinabihan na manahimik sa bahay dahil sa Covid-19

Ang Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe noong nakaraang linggo ay nagpahayag ng isang opisyal na state of emergency sa Tokyo, pati na rin ang mga prefecture ng Kanagawa, Chiba, Saitama, Osaka, Hyogo at Fukuoka.

Kahit na sa iba pang mga bahagi ng bansa, pinapairal din ito upang manatiling ligtas at maiwasan ang pagkalat ng coronavirus, at hiniling ni Yamagata Prefectural Governor Emiko Yoshimura sa mga residente na pigilan ang mga residente mula sa paglalabas ng prefecture.

Gayunpaman, ang isang empleyado na nasa kanyang 20’s ng isang construction company sa Yamagata Prefecture ay hindi lamang tumanggi na manatili sa kanyang bahay, ngunit namasyal pa ito sa kalapit na bayan  patungong Sendai, sa Miyagi Prefecture, noong kanyang day off.

Noong nalaman ito ng kanyang boss, sinabihan siya na huwag muna siyang pumasok sa trabaho bilang pag-iingat laban sa potensyal na pagkalat ng impeksyon sa kanyang mga katrabaho. Gayunpaman, hindi pinansin ng empleyado ang kautusan at sumulpot ito kanilang job site sa Lungsod ng Yamagata noong Abril 8.
Matapos malaman ng manager, 46 taong gulang, ay pinagsusuntok niya ito sa mukha at hinampas sa ulo.

Napikon umano ang manager dahil paulit ulit itong pinagsabihan na huwag lumabas ng bahay. Inaresto siya ng mga pulis noong araw din na iyon, ang biktima naman ay walang natamong sugat at hindi napuruhan.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund