Tokyo maaaaring maparalisado mula sa ibubugang abo ng Mt. Fuji

Pinag-aralan ng government panel kung ano ang mangyayari kapag pumutok ang bulkan sa panahon ngayon, maaring mabalot ng abo halos ang buong Tokyo. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo maaaaring maparalisado mula sa ibubugang abo ng Mt. Fuji

Ayon sa Japanese government panel ang Tokyo ay maaaring hindi gumana dahil ang kapitolyo ng bansa sa loob ng mahigit 3 oras kung magkakaroon ng malakas na pag-sabog ang Mt. Fuji.

Nuong huling pumutok ang Mt. Fuji nuong Disyembre ng taong 1707, ito ay nag-buga ng abo sa loob ng mahigit dalawang linggo. Ilang sentimetro ang naipon sa lungsod ng Edo, na kalaunang naging na Tokyo.

Pinag-aralan ng government panel kung ano ang mangyayari kapag pumutok ang bulkan sa panahon ngayon, maaring mabalot ng abo halos ang buong Tokyo.

Napag-alaman na ang abo ay maaaring umabot sa central Tokyo at ang mga karatig na prepektura nito tulad ng Kanagawa, Chiba at Saitama sa loob lamang ng tatlong oras matapos itong pumutok.

Ang lahat ng serbisyong tren ay titigil, dahil sa kapiranggot na abo na papasok sa operating system nito ay mag-sasanhi ng malfunction.

Karagdagan pa rito ay ang poor visibility na mag sasanhi ng auto traffic at malilimitahan ang pag-galaw ng mga nagkakagulong byahero.                  Magugulo ang logistics, na mag-sasanhi ng kakulangan sa pagkain at tubig.

At kapag umulan, ang mga abo mula sa bulkan ay didikit sa mga power supply facilities na mag-reresulta sa pag-blackout sa central Tokyo.                Mawawalan din ng komyunikasyon at water supply system.

Ang chief examiner ng panel na si Fujii Toshitsugu, isang propesor emeritus sa unibersidad ng Tokyo ay nag-sabi na mahirap mahulaan ang pag-sabog ng bulkan at ng aftermath nito.

Ayon kay Fujii, ang capital city, partikular na ang transportation networks ay maaaring hindi gumana matapos ang pag-sabog at ang pag-galaw ng mga tao ay matigil.                   Sinabi niya rin na magiging huli na ang pag-gawa ng hakbang matapos ang pag-sabog, kung kaya’t hinihimok niya ang lahat upang maaga ito mapag-handaan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund