Mahigit 1,000 katao ang nawalan ng trabaho sa Japan sanhi ng outbreak

Isang Japanese government survey ang nagpakita na mahigit 1,000 katao ang nawalan ng trabaho nitong nakaraang dalawang buwan dahil sa pag-lala ng sitwasyon sa negosyo sa gitna ng coronavirus outbreak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMahigit 1,000 katao ang nawalan ng trabaho sa Japan sanhi ng outbreak

Isang Japanese government survey ang nagpakita na mahigit 1,000 katao ang nawalan ng trabaho nitong nakaraang dalawang buwan dahil sa pag-lala ng sitwasyon sa negosyo sa gitna ng coronavirus outbreak.

Upang malaman ang epekto ng outbreak sa patrabaho, kinapanayam ng mga opisyal ng Labor Ministry ang mga executives na bumisita sa mga Labor Bureaus sa buong bansa.

Lumabas sa resulta na 1,021 manggagawa ay natanggal o di nama’y humarap sa nonrenewal ng kanilang mga kontrata mula pa nuong huling yugto ng Enero.

Karamihan sa mga manggagawa ay mula sa turismo at industriya ng hotel, na talagang apektado dahil sa pag-bagsak dahil sa kawalan ng bisita mula sa ibang bansa.

Mahigit 3,800 na mga kumpanya ang nag-sabi na sila ay gumawa na ng hakbang upang bawasan ang kanilang workforce o kinukunsiderang gawin ito. Kabilang rito ang tumataas na bilang ng mga restaurants na talagang naaapektohan dahil ang mga tao ay nananatili sa kani-kanilang tahanan.

Kung usapang prepektura, ang malaki ang epekto ng patrabaho sa Chiba at Osaka.

Sa Chiba na katabi lamang ng Tokyo at siyang lugar kung nasaan ang Narita Airport ay apektado rin dahil sa malaking pag-bagsak ng pagka-wala ng mga dayuhang turista.

Ang Osaka ay isang lokasyon kung saan isinasa-gawa ang mga live music venues kung saan maraming hawaan ang nangyari.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund