Isang ginang, pinag-hihinalaang brutal na sinaksak ang kanyang anak bago mag-tangkang magpaka-matay

Nakitang hawak ng ginang ang batang si Yua, na nuo'y naliligo sa sariling dugo, ang ginang ay umiiyak hanggang sa ito ay bumagsak sa sahig.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

CHIBA (TR) – planong kuwestiyonin ng Chiba Prefectural Police ang 37 anyos na ginang na pinag-hihinalaang brutal na sumaksak sa kanyang babaeng anak sa kanilang tirahan sa Chiba City bago mag-tangkang kitilin ang sariling buhay, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (Mar. 23)

Nuong Linggo, pinag-hihinalaan na ang ginang ay sinaksak ang anak na si Yua Kamada, 1 taong gulang,  gamit ang isang kutsilyo, sa kanyang dibdib at tiyan. Ito ay nangyari sa loob ng kanilang tirahan sa Naganumahara cho area ng Inage Ward.

Ayon sa pulis, kalaunan ang bata ay kinumpirmang wala ng buhay sa ospital.

Ang lola sa tuhod ng bata at ang lola ng bata ay kasama nilang naninirahan sa bahay. Bandang alas-5:40 ng hapon, inalerto ng lola ang mga emergency services. “Ang anak ko ay may hawak na kutsilyo at nag-sasalita tungkol sa pag-kikitil ng kanyang buhay.”

&nbspIsang ginang, pinag-hihinalaang brutal na sinaksak ang kanyang anak bago mag-tangkang magpaka-matay
Chiba City (Twitter)

Ang mga awtoridad na agad na rumisponde sa lugar ay nakitang hawak ng ginang ang batang si Yua, na nuo’y naliligo sa sariling dugo, ang ginang ay umiiyak hanggang sa ito ay bumagsak sa sahig.

Ayon sa mga pulis, nag-tamo rin ng mga self-inflicted wounds ang ginang sa kanyang dibdib at iba pang parte ng kanyang katawan. Sa kasalukuyan, ang ginang ay nasa pagamutan kung saan ang kanyang kondisyon ay naka-tala bilang malubha.

Plano ng mga pulis na kuwetiyunin ang ginang ukol sa insidente matapos itong maka-recover sa kanyang mga tinamong sugat.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund