3-years-old na batang babae patay matapos masagasaan ng truck sa isang restaurant parking lot

Ang driver ng truck ay nagsabi sa  pulisya na papunta sana siya sa lugar kung saan siya ay mangingisda nang siya ay nagpasya na lumiko biglaan sa parking lot ng restaurant para makapag shortcut at para maiwasan ang red na stoplight.  #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp3-years-old na batang babae patay matapos masagasaan ng truck sa isang restaurant parking lot

Isang tatlong taong gulang na batang babae ang namatay matapos na masagasaan ng isang truck sa parking lot ng restaurant sa Usa, Oita Prefecture, noong Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 9:30 p.m. sa restaurant na matatagpuan malapit sa isang intersection sa kahabaan ng National route 10, iniulat ni Sankei Shimbun. Ang batang babae na si Koharu Murakami ay kakatapos lang maghapunan kasama ang 5 na miyembro ng pamilya at tumakbo papuntang parking lot nang siya ay nahagip ng isang light truck na minamaneho ng isang 71 taong gulang.

Sinabi ng pulisya na ang bata ay nagtamo ng malubhang sugat at namatay sa ospital mga 90 minuto nakalipas.

Ang driver ng truck ay nagsabi sa  pulisya na papunta sana siya sa lugar kung saan siya ay mangingisda nang siya ay nagpasya na lumiko biglaan sa parking lot ng restaurant para makapag shortcut at para maiwasan ang red na stoplight.

Inamin naman niya na nakita niyang biglang tumakbo sa harapan niya ang bata at siya ay nakatapak agad sa break ngunit huli na ang lahat at nabangga niya na ang bata.

Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund