2 police officer, ginawang lovel motel ang kanilang ‘Koban’

Sa pagitan ng Disyembre at Pebrero, napag-alaman na ang isang 30 anyos na sarhento na nakatalaga sa Amagasaki Higashi Precinct at isa sa kanyang subordinate, na nasa kanyang 20s, ay gumagawa ng kababalaghan sa loob ng kanilang koban. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 police officer, ginawang lovel motel ang kanilang 'Koban'

TOKYO

Halos sa bawat neighborhood dito sa Japan ay may isang lokal na koban, o “police box,” isang uri ng compact na police station sa tabi ng kalye na may mga unipormadong opisyal ng police, na ang tungkulin ay magsagawa ng agarang aksyon sa anumang ilegal na aktibidad.

Gayunpaman, dahil sa mababang crime rate ng bansa, kadalasan ang mga police na nasa koban ay ginugugol ang maraming oras sa pagbibigay ng mga direksyon sa mga naliligaw na tao o di kaya tumanggap ng mga lost and found na gamit.

Subalit sa lungsod ng Amagasaki, Prefecture ng Hyogo. Sa pagitan ng Disyembre at Pebrero, napag-alaman na ang isang 30 anyos na sarhento na nakatalaga sa Amagasaki Higashi Precinct at isa sa kanyang subordinate, na nasa kanyang 20s, ay gumagawa ng kababalaghan sa loob ng kanilang koban.

Sinekreto ng dalawa ang kanilang relasyon sa kanilang superiors kaya’t lagi silang naa-assign na dalawa sa night shift sa mismong koban.

Ang koban ay may break room kung saan maaaring magpahinga ang mga opisyal. Ngunit sa halip na magpahinga, nagpasya ang dalawa na magtalik ng madaming beses sa loob ng dalawang buwan na magkasama sa loob ng koban.

Nabuking ang kanilang kababalaghan nang may nakapagsumbong na isa pang kasama nilang pulis na alam ang kanilang relasyon.

Ang mga pagsisiyasat sa dalawang pulis ay nagresulta sa pagkabuking ng gawain ng  dalawa. Dahil sa paglabag sa mga regulasyon ng pulisya, na-reprimand ang babaeng pulit at ang lalaki naman na kasal at may anak ay babawasan ng 10% ng kanyang sweldo ng susunod na buwan.

Source: Sources: Livedoor News/Sankei News via Jin, Asahi Shimbun Digital

In this article

Other News


Join the Conversation

.
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
SIM CARD - GET NOW
PNB
WU
brastel
Flat
TAX refund