2 Great Dane na aso, nilapa ang 11 buwang gulang na bata

Dalawang Great Dane na aso ang lumapa sa 11 buwang gulang na batang lalaki sa kanilang tahanan sa lunsod ng Toyama nuong Biyernes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOYAMA (TR) – Dalawang Great Dane na aso ang lumapa sa 11 buwang gulang na batang lalaki sa kanilang tahanan sa lunsod ng Toyama nuong Biyernes, ayon sa mga pulis, mula sa ulat ng Kyodo News (Mar. 21)

Bandang alas-5:35 ng hapon, ang mga aso na may bigat na aabot sa 80 kilograms bawat isa at may sukat na aabot sa 120 centimeters sa haba ay inatake si Jin Nakamura sa bakuran ng kanilang tirahan sa Kamiokubo area.

2 oras ang nakalipas, ang batang lalaki ay kimumpirmang binawian na ng buhay sa ospital sanhi ng hemorrhagic shock na nag-resulta mula sa pagka-ubos ng dugo, ayon sa pahayag ng mga taga-Toyama Minami Police Station.

&nbsp2 Great Dane na aso, nilapa ang 11 buwang gulang na bata
2 Great Dane na aso, nilapa ang 11 buwang gulang na bata, sa Toyama City nuong Biyernes. (Twitter)

Ayon sa mga pulis, ang mga aso ay nasa bakuran na mayroong sukat na 180 centimeters ang taas ng nasabing tahanan.

Ang insidente ay nangyari nang ang lolo ng bata na nag-eedad ng mga 50’s ay nag-dalang isang malaking malukong ng dog food sa kanilang bakuran habang bitbit rin ang bata. Nag-tamo rin ng pinsala sa kanyang paa ang lolo ng bata nang subukan niyang pigilan ang mga aso, base sa pahayag ng mga pulis.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund