2 bagong kaso ng coronavirus sa Mie, kumpirmado

Sa kasalukuyan, ang bilang ng kumpirmadong nahawaan ng bagong coronavirus sa prepektura ng Mie ay umabot na sa 11 katao.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 bagong  kaso ng coronavirus sa Mie, kumpirmado

Habang nagpapatuloy ang pag-laganap ng bagong coronavirus, dalawang bagong kaso ang nakumpirma sa Mie Prefecture nitong Marso 30. Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga nakumpirmadong kaso sa Mie prefecture ay 11 na.

Ang bagong kaso ng coronavirus sa prepektura ng Mie ay kumpirmado na, ang dalawa ay mga empleyado na nasa kanilang mga 30’s,                            ・ Ang nasabing lalaki ay naninirahan sa Saitama Prefecture.                                  ・ Habang ang isa namang lalaki ay naninirahan sa Tokyo.

Ayon sa Mie Prefecture, isang lalaki mula sa Saitama Prefecture ang bumisita sa Mie Prefecture sakay ng kotse para sa isang paglalakbay sa negosyo, nitong ika-27 ng Marso at pansamantalang nanatili sa Suzuka Circuit Hotel sa Suzuka City.

Nuong ika-28 ng Marso, ang lalaki ay nakaranas ng lagnat na umabot sa 38.9° at ng sumunod na araw, ika-29 ng Marso ang lalaki ay patuloy pa rin ang lagnat at nuo’y inubo na rin, nawalan ng panlasa. Matapos makaranas nito ang lalaki ay sinuri at nitong ika-30 ng Marso, lumabas na positibo ito sa bagong coronavirus.

Samantalang ang lalaki na mula sa Tokyo ay bumisita sa Mie Prefecture gamit ang isang sasakyan para sa isang paglalakbay para sa trabaho. Ito ay pansamantalang nanirahan sa lunsod ng Tsu mula ika-24 ng Marso, ngunit nitong ika-29 ng Marso, ang lalaki ay nakaranas ng lagnat na umabot sa 38° at kasabay nitong lumabas ang iba pang sintomas tulad ng pananakit ng ulo. Ang lalaki ay sinuri at nitong ika-30 ng Marso ang resulta ng pag-susuri ay lumabas na positibo.

Sa kasalukuyan, ang bilang ng kumpirmadong nahawaan ng bagong coronavirus sa prepektura ng Mie ay umabot na sa 11 katao.

Ayon sa prepektura ng Mie, maaaring hindi dito sa prepektura nakuha ang sakit, isinasa-alang alang rin ang kalagayan sa lugar na pinanggalingan ng mga ito.

Bilang karagdagan, ang dalawa ay nagkaroon ng maraming aktibidad sa loob ng prepektura dahil mayroon silang gamit na sariling sasakyan, kinumpirma ng Mie Prefecture ang detalyadong pag-kilos ng dalawa at sinisiyasat na din ang mga taong naka-salamuha ng mga ito.

Source and Image: NHK Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund