Mga Junior high school students kinunan ng video ang ilalim ng palda ng mga babaeng classmate at binenta ang video

Ang Board of Education ng lungsod ng Ikoma, Nara Prefecture, ay nagsabi na may ilang 8th grade junior high school boys ang pinaghihinalaan nagsagawa voyeuristic filming ng ilalim ng mga palda ng kanilang mga babaeng kamag-aral. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

NARA

Ang Board of Education ng lungsod ng Ikoma, Nara Prefecture, ay nagsabi na may ilang 8th grade junior high school boys ang pinaghihinalaan nagsagawa voyeuristic filming ng ilalim ng mga palda ng kanilang mga babaeng kamag-aral.

Ayon sa lupon, ang munisipalidad ng junior high school, na hindi pa pinangalanan, ay nagsabing naglunsad ito ng imbestigasyon sa sinasabing criminal offence, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng lupon na nagsimula ang voyeuristic filming noong Nobyembre at nagsasangkot ng hindi bababa sa anim o pitong lalaki na mag-aaral.

Ginamit ng mga batang lalaki ang kanilang mga smartphone at isang ballpen na may buit-in na maliit na camera upang pa-sekretong kunan ng video ang mga palda ng hindi bababa sa 20 na babaeng kaklase na lingid sa kanilang kaalaman at maraming okasyon ay sa paaralan ito nangyari. Ibinahagi ng mga mag-aaral ang mga imahe sa isang messaging app at bilang kapalit ay ibinibenta ito ng 300 hanggang 1,000 yen.

Ang mga insidente ay lumitaw noong ika-7 ng Pebrero matapos ang ilang mga mag-aaral na hindi kasali sa pagkuha ng video ay iniulat ito sa paaralan. Sa araw ding iyon, ang lupon ng edukasyon ay nakipag-ugnayan sa paaralan at inilahad sa pulisya.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
DO NOT LOSE TO CORONA VIRUS
brastel
Flat
TAX refund