Isang babae, nagising na may nakahubad na intruder sa loob ng kanyang apartment sa Tokyo

Naganap ang insidente noong umaga Lunes sa apartment ng babae sa Shinagawa Ward. Sinabi ng babae sa pulisya na siya ay nagising na may isang hubad na lalaki na nakapatong na sa kanya. Nagawa ng babae na labanan ito at tumawag sa 110. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang babae, nagising na may nakahubad na intruder sa loob ng kanyang apartment sa Tokyo

TOKYO

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 39-taong-gulang na lalaki dahil sa hinala ng tangkang panggagahasa matapos niyang manloob sa apartment ng isang babae na nasa edad na 20 at sinubukan na gahasain siya habang natutulog.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente noong umaga Lunes sa apartment ng babae sa Shinagawa Ward, iniulat ng Fuji TV. Sinabi ng babae sa pulisya na siya ay nagising na may isang hubad na lalaki na nakapatong na sa kanya. Nagawa ng babae na labanan siya at tumawag sa 110.

Nagmadali ang pulisya sa apartment at natagpuan ang lalaki na si Ayumu Kitamoto. Sinabi ng pulisya na si Kitamoto, na nagsabing siya ay isang part-time worker, ay lasing noong siya ay inaresto. Ang babae, na hindi naman nasaktan, ay sinabi na hindi niya kilala ang lalaki.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund