Ang Tokyo ay maaaring matakpan ng snow sa Lunes

Nag-babala ang mga opisyal ng weather forecast na maaaring mabalutan ng niyebe ang Tokyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng Tokyo ay maaaring matakpan ng snow sa Lunes

Ayon sa mga weather officials ay maaaring umulan ng niyebe sa mga lugar ng Tokyo mula Lunes ng hapon hanggang Martes at inaalala na ito ay makagambala sa trapiko sa mga lungsod o bayan kung ito ay maiipon sa mga kalsada at mga riles.

Ang low pressure system at high altitude cold air mass ay inaasahang magdadala ng snowfall sa malawak na lugar ng Tokyo.

Sinabi ng mga Forecasters na ang snowfall ay hanggang Martes ng umaga na maaaring umabot ng hanggang 30 sentimetro sa mga lugar sa hilaga at kanluran ng Tokyo, at isang sentimetro sa gitnang Tokyo. Kung ang temperatura ay mas mababa kaysa sa forecast, ang Tokyo ay maaaring makakita ng isang mas mabigat na snowfall.

Ang Meteorological Agency ay nagbabala sa pagkagambala sa transportasyon dahi sa mga nyebe sa mga kalsada, pati na rin ang malakas na hangin at matataas na alon sa mga baybayin ng Pasipiko.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund