Lalake, arestado sa pagpatay sa kapatid na babae at 3 years old na anak nito sa Saitama

Sinabi ng pulisya sa Lungsod ng Saitama noong Lunes, na inaresto nila ang isang 25-taong-gulang na lalaki sa hinala na pagpatay sa kanyang 24-taong-gulang na kapatid na babae at ang kanyang 3-taong-gulang na anak. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalake, arestado sa pagpatay sa kapatid na babae at 3 years old na anak nito sa Saitama

SAITAMA

Sinabi ng pulisya sa Lungsod ng Saitama noong Lunes, na inaresto nila ang isang 25-taong-gulang na lalaki sa hinala na pagpatay sa kanyang 24-taong-gulang na kapatid na babae at ang kanyang 3-taong-gulang na anak.

Sinabi ng pulisya na ang suspek na si Tomosuke Anpo, isang part-time worker, ay kinasuhan din ng resisting arrest matapos niyang subukang tumakas sa eksena ng krimen na may dalang duguang kutsilyo.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 6:50 p.m. noong Linggo sa isang apartment sa Sakura Ward. Tumawag ang isang kapitbahay sa pulisya matapos na marinig ang isang batang umiiyak ng malakas mula sa 5th-floor apartment kung saan nakatira ang pamilya.

Dumating ang mga pulis sa apartment at naabutan pa si Anpo na papa-takas na sana sa lugar. Nagkaroon ng scuffle bago siya naaresto. Sa loob ng apartment, natagpuan ng pulisya ang katawan ng kapatid ni Anpo na si Kimiko at ang kanyang anak na si Haruto, na tadtad ng saksak ang kanilang mga katawan. Nakumpirma silang dead on the spot.

Sinabi ng pulisya na ang 57-anyos na ina ni Anpo at 28-anyos na kapatid ay nakatira din sa apartment ngunit wala sila nung mga oras nanangyari ang krimen.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund