Hapon, pinapatay ang kanyang asawang Haponesa gamit ang hired killers sa Pilipinas

Ang dahilan kaya niya ipinapatay ang kanyang asawa ay nagkaroon siya ng problema sa pagpapadala ng pera sa kanyang kalaguyo na Pilipina kung kaya't gusto niyang ipapatay ang kanyang asawa para maibalik ang management rights ng kumpanya sa kanya.  #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Noong nakaraang August sa Cebu, Philippines, isang lalaki ang inakusahan sa pagpatay ng kanyang asawa gamit ang isang lalaki at babae na hired killers. Inamin naman ng suspect na asawa ang paratang sa kanya. 

Ayon sa indictment, si Shinichi Hamada (78), na walang trabaho at nakatira sa Nishi-ku, Kobe, ay kinontrata ang hired killers na isang Pilipinong lalaki at babae para patayin ang kanyang asawa na si Junko, 71 taong gulang sa Cebu, Philippines. Siya ay napatunayang may kinalaman sa pagpatay at kinasuhan ng murder. 

Mayroong kumpanya sa Pilipinas ang biktima at siya lang ang nagpapalakad nito at may rights sa kumpanya.  

Sa December 9, ang first trial na isinagawa sa Kobe District Court, inamin ng defendant na si Hamada na ginawa niya lahat ng pagplano para mapatay ang kanyang asawa.

Ang dahilan kaya niya ipinapatay ang kanyang asawa ay nagkaroon siya ng problema sa pagpapadala ng pera sa kanyang kalaguyo na Pilipina kung kaya’t gusto niyang ipapatay ang kanyang asawa para maibalik ang management rights ng kumpanya sa kanya. 

Ang hatol ay sa December 11th.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund