Nanay at dalawang anak patay, tatay naka-survive sa hinalang murder suicide ng gaikokujin family sa Nagano

Natagpuang nakahandusay sa loob ng kanilang apartment ang isang gaikokujin family sa posibleng murder suicide sa Nagano Minowa Town. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNanay at dalawang anak patay, tatay naka-survive sa hinalang murder suicide ng gaikokujin family sa Nagano

Natagpuang nakahandusay sa loob ng kanilang apartment ang isang gaikokujin family sa posibleng murder suicide sa Nagano Minowa Town.

Natagpuan sila noong November 25 bandang 10AM. Sila ay nakita ng kanrininsya ng apartment ng kanilang tinitirahan noong bumisita ito dahil pinapaalis na sila sa kanilang apartment dahil hindi na sila nakakapag bayad ng ilang buwan.

Agad silang isinugod sa hospital subalit ang baby boy ay di na umabot at ito ay patay na. Ang isa pang batang lalaki, 2 years old, at nanay naman nito ay parehong nasa malubhang condition ngunit namatay din kalaunan sa hospital.  Ang tatay naman ay meron lamang injury at ligtas sa kapahamakan.

Malaki ang poaibilidad na suicide ang ginawa ng mga ito ayon sa mga pulis. Sinisiyasat nila ang tatay sa ngayon na nakaligtas. Ang family ay naka schedule na umalis sa apartment na kanilang tinitirahan dahil hindi sila nakakapagbayad ng upa ng ilang buwan na kung kayat pinuntahan sila ng kanrininsya ng apartment kasama ang isang court official, subalit hindi nila inakalang magpapakamatay ang buong family ayon sa news. Di naman sinabi sa news kung taga saang bansa ang pamilya.

Source: Nagano News

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo