Isang batang babae na mag-aaral sa elementarya ay nasaksak ng 14-taong gulang na batang lalaki sa Aomori Prefecture

14 anyos na batang lalaking nang laslas ng leeg ng Gr. 6 na batang babae ay nag-sabi na nais niyang pumatay ng isang tao kahit sino pa ito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang batang babae na mag-aaral sa elementarya ay nasaksak ng 14-taong gulang na batang lalaki sa Aomori Prefecture

AOMORI

Ang isang batang babae sa elementarya ay nalaslasan sa leeg ng isang 14-taong-gulang na batang lalaki habang siya ay naglakad pauwi mula sa paaralan noong Martes ng hapon sa Hachinohe, Aomori Prefecture.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 4:30 p.m. Ang batang babae, na nasa ika-anim na baitang, ay nagsabi sa pulisya na may isang umakyat sa likuran niya at nilaslasan siya sa leeg gamit ang isang kutsilyo at pagkatapos ay tumakas, iniulat ng Fuji TV. Nakuha pang tumawag ng batang babae sa mga pulis at sa kanyang mga magulang.

Ang batang babae ay dinala sa ospital. Sinabi ng mga doktor na ang laslas ay may 10 sentimetro ang haba at isang sentimetro ang lalim, ngunit ang kanyang pinsala ay hindi naman kritikal.

Ang isang witness na nakakita sa batang lalaki na tumakas ay nagbigay ng paglalarawan sa pulisya.

Ang batang lalaki ay dinampot mula sa kanilang bahay kung saan nakita nila ang ilang mga kutsilyo sa kanyang silid. Sinabi ng pulisya na inamin niya na inaatake ang batang babae, na hindi niya kilala, sinabi ng suspek sa mga pulisya na intensyon niyang patayin ang bata. Sinabi rin niya na nais lamang niyang pumatay ng isang tao at hindi mahalaga kung sino ito.

Source: Japan Today

Image: Japan Times

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo