Dahil sa langaw, natagpuan ang isang bangkay sa loob ng isang bahay sa Miyagi

Dahil sa kumpul ng langaw sa isang bahay sa Miyagi, natagpuan ang bangkay ng 71 anyos na lalaki.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

MIYAGI (TR) – Inaresto ng Miyagi Prefectural Police ang isang 44-anyos na lalaki matapos mapag-alaman na ito ay nakatira kasama ang bangkay ng kanyang ama sa Lungsod ng Iwanuma noong Linggo, ulat ng Sankei Shimbun (Nob. 5).

Bandang alas-11:00 ng umaga, isang kakilala ang ama ni Shigeki Hatakeyama ang dumalaw sa tirahan nito, na matatagpuan sa lugar ng Kuwabara.

Matapos mapansin ang isang akumulasyon ng mga sulat sa mailbox at kumpol ng mga langaw, agad na inalertuhan nito ang pulisya. Ang mga opisyales na dumarating sa lugar ay natagpuan ang walang buhay na katawan ng ama ni Hatakeyama na may edad na 71 at walang tinamong ano mang panlabas na sugat o pinsala.

Nuong Lunes, inakusahan ng pulisya si Hakateyama, na walang kilalang bilang walang trabaho, sa pag-iwanan ng isang bangkay. “Matapos mamatay ng aking ama, iniwan ko lamang siya ng ganon,” ayon sa pahayag ng suspect sa Iwanuma Police station habang inamin ang mga akusasyon laban sa kanya.

&nbspDahil sa langaw, natagpuan ang isang bangkay sa loob ng isang bahay sa Miyagi
Isang bangkay ng 71 anyos na lalaki ang natagpuang sa loob ng kanyang tirahan sa Iwanuma City nuong Linggo. (Twitter)

Ayon sa pulisya, kasama ni Hatakeyama sa tirahan ang kanyang ina.

Bilang karagdagan sa paghahanap ng isang motibo para sa krimen, iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay nito.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo