Amusement park gumawa ng gigantic 120-meter Godzilla structure

Matatagpuan sa Awaji Island sa Hyogo prefecture, ang amusement park na Nijigen no Mori ("Two Dimensional Forest") ay nag-aalok ng mga attractions na makakaranas ang fans na parang nakapasok sila sa mga mundo ng kanilang paboritong serye. Ang pinakabagong pinagmamalaking attraction ng park ay mismong Hari ng Monsters: ang isang napakalaking estatwa ni Godzilla na umaabot sa 120 metro ang haba. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO

Matatagpuan sa Awaji Island sa Hyogo prefecture, ang amusement park na Nijigen no Mori (“Two Dimensional Forest”) ay nag-aalok ng isang pagkakataon para sa mga fans ng mga anime upang matamasa ang mga attractions na nagpaparamdam sa kanila na parang nakapasok sila sa mga mundo ng kanilang paboritong serye.

Binuksan kamakailan ang isang Naruto at Boruto Ninja Village, ang mundo ng Naruto na may isang buhay na istraktura na Hokage Rock at mayroon din na ninja training.

Ang pinakabagong pinagmamalaking attraction ng park ay mismong Hari ng Monsters: ang isang napakalaking estatwa ni Godzilla na umaabot sa 120 metro ang haba.

&nbspAmusement park gumawa ng gigantic 120-meter Godzilla structure

Kinikilala ng mga tagahanga ng Kaiju ang aesthetic para sa napakalaking istraktura na ito na ang hitsura ni Godzilla sa “Godzilla: Resurgence (Shin-Gojira),” sa direksyon ni Hideaki Anno ng katanyagan ng Neon Genesis Evangelion. Ang attraction ay pinamagatang “Godzilla Interception Operation”. Ito ay may zip line na maaring sakyan na patungo sa butas ng bibig ni Godzilla.

&nbspAmusement park gumawa ng gigantic 120-meter Godzilla structure

Ito ay may 5,000-square meter zone na dedicated lamang para sa King of the Monsters, ang giant structure ay ang nag iisang attraction. At may ibibentang mga Godzilla-themed food and goods

Ang official opening date ay hindi pa naa-announce, ngunit ang tentative schedule para mag welcome ng mga visitors ay sa summer ng 2020. Abangan sa pamamagitan ng pag update sa kanilang official website.

 

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo