Nakita sa isang video kung paano ninakaw ng isang lalaki ang halagang ¥450,000 mula isang club sa Roppongi

Di pa nakikilalang nanloob sa isang bar sa Roppongi, tinatayang naka-kuha ng hindi hihigit pa sa ¥450,000 at 3 bote ng mamahaling champagne.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) –pinag-hahanap ngayon ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaki na nag-nakaw ng mahigit na 40 lapad mula sa isang bar sa Roppongi entertainment district ng Minato Ward, mula sa ulat ng T.V Asahi (Oct. 9).

Bandang alas-5:00 ng hapon nuong Lunes, isang lalaki ang nanloob sa Bar Brightman, na nuo’y sarado pa. Tinangay ng lalaki ang halos ¥450, 000 yen na cash at 3 bote ng mamahaling champagne.

Mula sa nakunang video ng security camera, ang lalaki na naka-suot ng baseball cap at salamin ay nakikitang nag-hahalungkat sa loob na bahagi ng counter, gamit pang-ilaw ang kanyang smartphone. Matapos makita ang pera, ito ay kanyang kinuha at saka inilagay sa loob ng kanyang sling bag.

“Bakit nangyariri ang ganito sa mga maliliit na negosyo nang tukad sa amin.” ani ng manager ng naturang bar. “Gusto ko na mahuli ang gumawa nito.”

Iniimbestigahan na ngayon ng mga pulis ang pagkaka-kilanlan ng lalaking suspek sa kasong pag-nanakaw.

Source: Tokyo Reporter

Video: YouTube

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo