Lalaki, arestado sa pangmo-molestiya ng isang batang babae sa loob ng sasakyan

Inaresto ng pulisya noong Linggo ang isang 36-taong-gulang na lalaki dahil sa hinala na pag-abuso sa isang batang babae na elementary student pagkatapos kumbinsihin ito na pumasok sa kanyang sasakyan noong nakaraang buwan. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspLalaki, arestado sa pangmo-molestiya ng isang batang babae sa loob ng sasakyan
Image: FNN News

TOKYO

Inaresto ng pulisya noong Linggo ang isang 36-taong-gulang na lalaki dahil sa hinala na pag-abuso sa isang batang babae na elementary student pagkatapos kumbinsihin ito na pumasok sa kanyang sasakyan noong nakaraang buwan.

Ang suspek na si Kyohei Ishiyama, na di pa tukoy ang trabaho, nakatira sa Gyoda, Saitama Prefecture, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na hindi niya inaako ang paratang sa kanya.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 5 p.m. noong Setyembre 19 sa Nerima Ward ng Tokyo. Nag-iisang naglalakad ang batang babae nang may tumawag sa kanya na isang lalaki sa naka-park na kotse at yinaya siyang sumakay sa sasakyan at ihahatid niya ito pauwi.

Nang makapasok ang dalagita sa sasakyan, dinala siya ng lalaki sa isang paradahan kung saan di umano siya ay minolestiya ng mga 40 minuto. Pinakawalan niya ang batang babae at daliang umuwi sa kanyang bahay at nagsumbong sa kanyang ina na tumawag sa 110. Sinabi ng batang babae sa pulisya na hindi niya kilala ang lalaki.

Sinabi ng pulisya na nakilala nila si Ishiyama matapos makunan ng footage ng surveillance camera ng kalye ang kanyang sedan sa lugar kung saan nangyari ang insidente na tumutugma sa paglalarawan ng kotse na ibinigay ng batang babae.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo