Gobyerno planong pahabain ang bakasyon para sa Child Care

Paternity leave isinusulong na mapahaba rin ang panahon ng pag-liban sa trabaho.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGobyerno planong pahabain ang bakasyon para sa Child Care

Ang gobyerno ng Japan ay hinihikayat ang mga kalalakihang opisyal sa lokal na gobyerno na gumamit ng mas mahaba sa isang buwan para sa child care leave.

Ito ay upang maging halimbawa ng mga pribadong kumpanya at lokal na gobyerno sa mga lalaking manggagawa at ang mga ito ay maging komportable sa pag gamit ng nasabing leave para sa kanilang mga anak. Ang mga opisyal sa lokal na gobyerno ay maaaring gamitin ang child care leave hanggang sa ikatlong taon ng kanilang mga anak.

Umabot na sa 21.6 porsyento ang nakagamit na child care leave noong 2018 maliban sa mga miyembro ng Self Defense Forces at iba pang nasa kategorya ng special job.

Nasa 72 porsyento pa rin ang gumamit ng leave kulang sa isang buwan. Kinukonsidera ng gobyerno na nararapat din na hikayatin ng mga managerial official na gumamit ng mas mahabang leave ang mga aplikante sa mga interbyu pa lang.

Ang dami ng gagamit ng mahabang leave sa pamamahala nito ay magiging puntos sa kanila bilang manager sa mga opisina ng gobyerno.

Plano ng gobyerno na ianunsiyo ang konkretong hakbang bago matapos ang taong ito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo