$1.84 Million na Diamond ninakaw mula sa isang Jewelry Fair sa Japan

Ang 50-carat na diamond ay huling nakita na naka-display sa loob ng isang glass showcase nang 5 p.m. noong Huwebes. Makalipas ang ilang oras bago magsara ang lugar, nawala ang diamond at ang lock ng case ay nakabukas, ayon sa pulisya. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

Tokyo (AP) – Sinisiyasat ng pulisya ng Japan ang isang 200 milyong yen ($ 1.84 milyon) na diamond na sinasabing ninakaw mula sa isang international jewelry show trade malapit sa Tokyo.

&nbsp$1.84 Million na Diamond ninakaw mula sa isang Jewelry Fair sa Japan
Image: Sankei

Ang 50-carat na diamond ay huling nakita na naka-display sa loob ng isang glass showcase nang 5 p.m. noong Huwebes. Makalipas ang ilang oras bago magsara ang lugar, nawala ang diamond at ang lock ng case ay nakabukas, ayon sa pulisya.

Sinabi ng pulisya noong Sabado na pinaghihinalaan nila ang sinasabing pagnanakaw ay naganap sa huling oras na kung saan puno ng tao ang exhibit sa Yokohama, malapit sa Tokyo. Ang sparkly na diamond, na dinala ng isang kumpanya sa Saitama, sa hilaga ng Tokyo, ang tanging bagay na nawawala. Walang pa din naaresto hanggang ngayon.

Sinuri ng mga investigator ang footage ng camera  na nagpakita ng isang tao na humawak sa case noong hinihinalang oras ng pagnanakaw.

Ang tatlong araw na exhibit ay natapos noong Biyernes tulad ng pinlano. Humigit-kumulang sa 410 na mga tindahan ng alahas mula sa buong mundo at higit sa 10,000 na mga bisita ang nagtipon, ayon sa mga organisador.

Source: Bloomberg

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo