Sa Gifu, nanaksak ang isang lalaking high school student ng isang ginang sa parmasiya

17 anyos na lalaki nanaksak ng isang ginang sa loob ng isang parmasiya sa Gifu.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

GIFU (TR) –inaresto ng Gifu Prefectural Police nuong nakaraang linggo ang isang 17 anyos na high school boy Dahil sa umano’y saksakang naganap sa isang parmasya ng sa Seki City, mula sa ulat NHK (Sept. 13,)

Bandang alas-2:00 ng hapon nuong ika-12 ng Septyembre, ang binatilyong nasa ikalawang taon ng high school ay guamamit umano ng gunting upang laslasin ang ulo at leeg nang isang 33 anyos na ginang habang ito ay papalabas sa palikuran ng nasabing parmasiya sa Toshicho area.

Ayon sa mga pulis, ang ginang ay agad na dinala sa pagamutan at duo’y nakumpirma na ang mga natapong pinsala ay hindi delikado.

&nbspSa Gifu, nanaksak ang isang lalaking high school student ng isang ginang sa parmasiya
Nitong Sept. 12, sinaksak ng isang binatilyo ang isang babae sa loob ng isang parmasiya sa lungsod ng Seki. (Twitter)

Makalipas ang 10 minuto, ang bata ay sumuko sa isang police box. “Nakasaksak ako ng tao.” ani nito sa mga awtoridad. Agad naman siyang na aresto at kasalukuyang nahaharap sa kasong attempted murder.

Ang suspek at ang biktima ay hindi magka-kilala. Iniimbestigahan ngayon ng mga pulis kung ano ang nag-tulak sa bata upang magawa ang krimen.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo