Sa Gifu, isang high school student ang nag-bigti sa loob ng classroom

Isang 17 anyos na lalaki ang pinaniniwalaang nagpa-tiwakal matapos kausapin at bigyan ng babala ng kanyang guro.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

GIFU (TR) – isang 17 anyos na lalaki na isang highschool student ang nag-bigti sa loob ng kanilang classroom sa Gifu City nuong Martes, mula sa ulat ng TBS News (Sept. 4).

Bandang alas-5:40 ng hapon, natagpuan ng isang guro ang batang lalaki, isang 2nd year highschool student na naninirahan sa Ogaki City, na naka-bitin ang leeg gamit ang isang cord na kinuha sa isang kurtina.

Matapos tumawag sa emergency services, ang bata na nuo’y walang malay ay agad na isinugod sa pagamutan kung saan ito’y idineklarang wala ng buhay pagka-lipas ng isang oras.

Bago pa mangyari ang insidente, ang mag-aaral ay ipinatawag sa classroom ng kanyang adviser pagka-tapos ng eskwela. Sa kanilang pag-uusap binigyan ng guro ng hindi pa nalalamang babala ang bata.

Matapos ang pag-uusap, ang guro ay pansamantalang umalis ng silid upang tawagan ang mga magulang ng estudyante. Ibang guro ang naka-kita sa bata.

Nakikipag-usap ngayon ang mga pulis sa mga staff member ng paaralan ukol sa nangyaring insidente.

Source: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo