Isang Russian National ang hinuli matapos nakawan ang isang lasing na lalaki

Russo, arestado dahil sa pagnanakaw ng bag ng isang lasing na lalaki.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) – inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaking Ruso at isa pang lalaki dahil sa pagnanakaw umano ng bag ng isang lasing na lalaki sa Musashino City nuong nakaraang buwan, mula sa ulat ng NHK (Sept. 3).

Nuong gabi ng August 16, si Vladislav Chrischenko, walang trabaho, ay kinuha umano ang bag ng natutulog na lasing na lalaki sa JR Kichijoji Station. Ang bag ay nag-lalaman ng 1 lapad at 6 na libong cash.

Matapos tumakas, si Chrischenko, 25 anyos ay nakipag-kita kay Haru Takai, 26 anyos na lalaking kakilala ng suspek. Ang huli ay kasamang naaresto sa nasabing kaso.

&nbspIsang Russian National ang hinuli matapos nakawan ang isang lasing na lalaki
Chrischenko Vladislav (Twitter)

“Gusto ko ng pera para may pang-gimik ako.” pag-amin ng isa sa mga suspek sa mga pulis.

Si Chrischenko ay naging person of interest matapos suriin ang mga security camera footage sa lugar, ani ng mga pulis.

Ini-imbestigahan ng pulis kung ang mga suspek ay may kinalaman sa ilan pang nakawan na nangyari sa lugar nitong taon.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo