Isang 12 anyos na batang babae, tumalon sa apartment building sa Oita Prefecture

12 anyos na bata nagpa-tiwakal sa pamamagitan ng pag-talon mula sa isang gusali sa Oita City.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OITA (TR) – Kasalukuyang nagsasa-gawa ng imbestigasyon ang mga Oita Prefectural Police ukol sa isang middle school student na namatay matapos tumalon mula sa isang apartment building sa Oita City nuong Lunes sa pinaniniwalaang kaso ng pagpapa-tiwakal, ulat mula sa Sankei Shimbun (Sept. 16).

Bandang alas-7:15 ng gabi, isang residente sa gusali na bandang Senzai Area ang tumawag sa pulis matapos makita ang katawan ng bata (12) na nakalagpak sa semento ng kalapit na parking lot ng gusali.

Ang bata ay kalaunang dinala sa ospital kung saan ito ay kinumpirmang wala ng buhay bandang alas-8:40 ng gabi, ayon sa Oita-Chuo Police Station.

&nbspIsang 12 anyos na batang babae, tumalon sa apartment building sa Oita Prefecture
Patay ang isang 12 anyos na babae matapos tumalon mula sa isang apartment building sa Oita City nuong Lunes. (Twitter)

Ang bata ay nakatira sa lugar sa siyudad, sinabi ng mga pulis.

Base sa kuha mula sa security camera at iba pang ebidensyang nalakap sa lugar ng krimen, sinabi ng mga pulis na tinapos ng bata ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-talon mula sa gusali.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo