Heated cigarette na IQOS duo 3 ng Philip Morris, magkakaroon na ngayon ng monthly rate plan

Ang Philip Morris Japan (PMJ, Tokyo) ay nagsimula ng serbisyo kung saan ang mga customers na ay maaaring magamit ang smoking equipment (devices) ng “IQOS” isang brand ng heated cigarettes na may fixed monthly fee simula September 25. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHeated cigarette na IQOS duo 3 ng Philip Morris, magkakaroon na ngayon ng monthly rate plan

Ang Philip Morris Japan (PMJ, Tokyo) ay nagsimula ng serbisyo kung saan ang mga customers na ay maaaring magamit ang smoking equipment (devices) ng “IQOS” isang brand ng heated cigarettes na may fixed monthly fee simula September 25.

Bukod pa dito, ang kumpanya ay mago-offer din ng libreng rental service sa loob ng 14 na araw para sa mga latest devices na may maikling charging time. Ito ay upang mahikayat ang mga tao na gumamit ng heated cigarette at magkaroon ng mga bagong customer. Ang IQOS ay may 5.4 million na customers sa domestic heated tobacco market.

&nbspHeated cigarette na IQOS duo 3 ng Philip Morris, magkakaroon na ngayon ng monthly rate plan

Ang bagong service plan ay tinatawag na IQOS Teigaku Plan  “IQOS flat-rate plan” at available ito sa tatlong klase: 630 yen, 900 yen, at 1350 yen, kasama ang monthly tax, depende sa uri ng device na iyong pipiliin. Ang contract period ay one year, at sa loob ng period na ito, kapag nasira ang device, maaari itong mapalitan ng libre ng hanggang tatlong beses. Pagkatapos ng kontrata, mapapasaiyo naang device at maaari mo nang ipatuloy gamitin na walang kaukulang bayad. Sa 3 plan na ito, ang ika-11 na buwan ng pagbayad ay halos katumbas na ng suggested retail price ng device. 

 

Dagdag pa dito, kapag nag-apply para sa 14-day free rental sa online site o by phone, matatanggap ang device at magkakaroon ng membership program para sa mga device purchasers.

&nbspHeated cigarette na IQOS duo 3 ng Philip Morris, magkakaroon na ngayon ng monthly rate plan

Ang bagong device na “IQOS 3 DUO” ay ang pumalit sa dating “IQOS 3”, at ang  shape ng holder para sa heating ng cigarette stick at ng charging device ay halos kaparehas ng IQOS. Ang suggested retail price (including tax) ay 9980 yen. Magsisimula ang pagbenta sa official online store sa September 25, at ibebenta sa mga “IQOS Store” (9 stores nationwide) simula sa ika 26 at sa Yamada Denki at Don Quijote simula October 14.

Source: Yahoo news

In this article

Other News


Join the Conversation

.