9 na taong gulang na batang lalaki natagpuang patay sa Saitama

Katawan ng 9 na taong gulang na bata natagpuang wala ng buhay sa isang espasyo malapit sa kanilang tahanan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp9 na taong gulang na batang lalaki  natagpuang patay sa Saitama

Natagpuan ang bangkay ng 9 nataong gulang na batang lalaki sa Saitama Prefecture. Sinabi ng mga pulis na ito ay pinatay.

Pinag-hahanap ng pulis si Ryosuke Shindo matapos na tumawag ang ina nito nuong Martes ng gabi na ang kanyang anak ay umattend sa isang English Conversation Lesson at hindi pa bumabalik.

Ang labi ng bata ay natagpuan ng madaling ng Miyerkules sa paligid ng apartment building na tinitirahan ng kanyang pamilya.

Sinabi ng mga pulis na ang katawan ng bata ay nakita sa isang espasyo para sa mga piping, malapit sa hagdanan sa labas ng building. Inireport na ang kasuotan ng bata ay isang kamiseta at shorts ngunit ito ay walang sapatos. Nakita rin ng mga pulis na ito ay may marka sa leeg na palatandaan na ito ay sinakal.

Nakumpirma na ang batang lalaki ay umuwi pagka-tapos ng eskwela nuong Martes, ngunit ang biktima ay hindi pumasok sa kanyang English Lesson.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo