Patay ang isang ginang at ang anak nitong babae matapos tumalon sa gusaling tinitirahan nito

Patay ang isang ginang at anak nitong babae matapos tumalon sa isang gusali sa Otsu City nuong Linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspPatay ang isang ginang at ang anak nitong babae matapos tumalon sa gusaling tinitirahan nito
Isang ginang at ang anak nito ang namatay matapos tumalon sa isang gusali sa lungsod ng Otsu nuong Linggo.

SHIGA (TR) – nag-sagawa ng isang imbestigasyon ang Shiga Prefectural Police matapos matagpuang patay ang isang ginang (37 anyos) at isang sanggol na babae sanhi ng pag-talon nito sa isang apartment building sa Otsu City sa pinaniniwalaang suicide, mula sa ulat ng Sankei Shimbun nuong August 11.

Bandang alas-7:40 ng umaga nuong Linggo ay tumawag sa pulis ang isang lalaking residente sa parehong building sa Ninohama area at nag-sabing “Nakarinig ako ng malakas na tunog at kasunod nuon ay nakita ko ang isang babae at sanggol na naka-handusay sa kalsada.”

Ilang mga officer ang rumesponde at nakita ang babae at bata na naka-handusay at duguan sa bandang ulo sa parking lot ng building. Kalaunan ay idineklara itong wala nang buhay sa pagamutan.

Pinaniniwalaan ng pulis na ang ginang ay tumalon mula sa kanilang apartment building habang hawak nito ang kanyang anak na may intensyon na kitilin ang sariling buhay.

Iniimbestigahan ngayon ang asawa ng ginang ukol sa insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo