Lalaki, arestado sa pag molestya ng isang flight attendant

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 35-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pangmomolestya ng isang babaeng flight attendant sakay ng isang eroplano sa paliparan ng Haneda noong Mayo. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Photostock

TOKYO

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 35-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pangmomolestya ng isang babaeng flight attendant sakay ng isang eroplano sa paliparan ng Haneda noong Mayo.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 7 p.m. noong Mayo 22 makalipas lamang maglanding ng domestic flight, iniulat ng Fuji TV. Ang suspek na si Haruhiko Shiraishi, na isang empleyado ng kumpanya, ay umamin sa bintang sakanya, sinabi ng pulisya, na kaya ginawa ng suspect ay dahil natipuhan niya ito.”

Ang flight attendant, na nasa edad na 20, ay nagsabi sa pulisya na si Shiraishi ay nagreklamo na masakit ang kanyang tiyan at tinanong siya kung maaaring dalhin siya  banyo at hanapan siya ng gamot. Nang makarating sila sa banyo, tinanong ni Shiraishi kung mayroon siyang kasintahan at nais niyang makipag date sa kanya. Pagkatapos ay hinupuan siya. Binigyan din siya ng isang note kasama ang numero ng telepono ng suspect.

Sinabi ng pulisya na inamin ni Shiraishi ang ginagawa niya at sinabi niya na may ganito din siyang ginawa noon sa isang flight attendant sa isa pang eroplano noong 2018. Sa okasyong iyon, sinabi niyang hinawakan niya ang puwet ng babae.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund