Isang lalaki at babae ang nakitang patay sa loob ng banyo ng isang hotel

Sa pinaniniwalaang kaso ng pagpapa-tiwakal, isang lalaki at babae ang nakitang wala ng buhay sa loob ng banyo ng isang hotel.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa mga pulis, ang magka-sintahan ay natagpuang na sa estado ng cardio-respiratory arrest sa isang kwarto sa ika-7 palapag ng gusali ng Hotel Dulce sa Oji, Kita ward bandang alas-12:30 ng hating gabi nuong Sabado. Pareho itong walang saplot sa katawan ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang dalawa ay isinugod sa ospital kung saan pareho silang idineklarang wala ng buhay.

Sinabi ng mga pulis na nakakita sila ng mga uling sa loob ng banyo, na nag-sasabing maaaring nagpa-tiwakal ang mga ito.

Isang hotel employee ang tumawag sa 110 matapos matagpuang walang malay ang dalawang biktima sa loob ng banyo ng kwarto.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund