Isang babae ang nabalian ng kamay matapos ma-snatch ang dalang bag

Isang babae ang nabalian ng kamay matapos isnatchin ang dalang bag sa Maebashi nuong sabado.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIsang babae ang nabalian ng kamay matapos ma-snatch ang dalang bag
Iaang babae ang nabalian ng kamay matapos maisnatch-an ng bag sa Maebashi nuong Sabado. (Twitter)

GUNMA (TR) – pinag-hahanap ngayon ng Gunma Prefectural Police ang isang lalaki na nang snatch ng bag ng isang babae nuong sabado sa lungsod ng Maebashi. Ayon sa mga pulis nabalian ng buto sa kamay ang babae dahil sa insidenteng nangyari, (August 5).

Bandang pasado alas-11:00 ng gabi bumaba ng sasakyan ang babae mula sa parking lot sa tapat ng kanyang apartment building sa Fujimimachi Kogure Area.

Ang salarin ay biglang hinablot ang buhok ng babae. “Huwag kang sisigaw.” pananakot nito bago hablutin ang bag na nag-lalaman ng perang nagkaka-halaga ng 54,000 yen at ang kanyang mobile phone.

Nuong oras ng insidente, ang babae ay tumilapon sa kalsada na nag-sanhi ng pagkabali ng kaliwang kamay nito, ayon sa mga pulis.

Pinaniniwalaang nag-eedad sa 30 hanggang 40 anyos ang suspek na may taas na 170 cm. Nuong nangyari ang insidente, ito ay naka-suot ng itim na kasuotan at naka-salamin sa mata, ayon sa mga pulis.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo