10 minute caper: Kaha de Yero ninakaw sa Osaka

Ninakaw ang isang Kaha de Yero sa Osaka na nagkaka-laman umano ng 5 milyong yen.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA (TR) – 10 minuto lamang ang kinailangang oras ng 3 mag-nanakaw upang nakawin ang isang Kaha de Yero na nag-lalaman umano ng 5 milyong yen mula sa loob ng isang opisina ng isang restaurant sa Lungsod ng Osaka nuong ika-16 ng Agosto.

Mula sa kuha ng isang security footage camera na ibinigay ng NHK nuong August 19, makikita ang 2 manloloob na naka suot ng pantrabahong kasuotan na bumaba sa isang sasakyan na naka-park sa Naniwa Ward. Sila ay tumawid sa kalsada patungo sa opisina.

Isa sa kanila ang gumamit ng martilyo upang basagin ang pintuan sa harapan upang makapasok sa loob ng gusali. Nakita nila ang Kaha de yero at ito ay itinaob at saka inilabas sa pintong binasag nila.

Nang ito ay nailabas na nila, ito ay isinakay sa likuran ng sasakyan na minamaneho ng isa pang suspek. Nang ipinatakbo ang sasakyan palayo sa lugar ang Kaha de Yero ay tumulak papasok ng sasakyan na naging dahilan upang mabasag ang bintana sa likuran ng sasakyan.

Ayon sa lalaking may ari ng restaurant, ang Kaha ay nag-lalaman ng 5 milyong cash at iba pang mga mamahaling bagay. “May masama akong kutob dito dahil iilan lamang ang nakaka-alam ng lokasyon ng kaha at kung ano o magkano ang nilalaman nito.” ani pa nito “Naka-bibigla na ito ay mangyari.”

Sa kasalukuyan inaalam ng mga awtoridad ang pagkaka-kilanlan ng 3 tao at ito ay maaaring sampahan ng kasong pag-nanakaw.

Source: Tokyo Reporter

Video: YouTube

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund