Isang lalaki na mahilig mag-saboy ng bleach sa mga babae, arestado

Arestado ang isang lalaki na nang-sasaboy ng bleach sa mga babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIsang lalaki na mahilig mag-saboy ng bleach sa mga babae, arestado
(Twitter)

KANAGAWA (TR) –inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang lalaking bar employee na pinag-hihinalaang nag-sasaboy ng bleach sa ilang kababaihan sa lungsod ng Yokohama, mula sa ulat ng Fuji News Network (July 10).

Nuong lunes ng gabi, si Kazuya Nakamura, 42 anyos ay pumuwesto sa likuran ng isang 35 anyos na babae sa kalsada malapit sa Chinatown sa Chuo Ward at sinabuyan di umano sa damit ang babae ng pinaniniwalaang bleach.

Inamin ni Nakamura ang mga alegasyon sa kanya. “Nuong hindi napansin ng biktima (ang bleach), naka-hinga ako ng maluwag.” ani nito sa mga pulis. “Maraming beses ko na itong nagawa.”

Sa nangyaring insidente, isang lalaking witness ang pumigil kay Nakamura.

Iniimbestigahan ng mga pulis kung si Nakamura rin ang salarin sa likod ng 5 pang parehong insidente na kinasasangkutan ng iba pang mga kababaihan na nangyari sa iisang lugar.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation