Isang 17 anyos na lalaki ang sinaksak sa loob ng kanyang tahanan sa Saitama Prefecture

Sinaksak ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang 17 anyos na lalaki sa loob ng tahanan nito sa Saitama Prefecture.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIsang 17 anyos na lalaki ang sinaksak sa loob ng kanyang tahanan sa Saitama Prefecture
Image: Photo stock

Ayin sa mga pulis, nangyari ang insidente bandang alas-3:30 ng madaling araw. Ang 42 anyos na ama ng biktima na nasa isang kwarto sa ikalawang palapag ang nag-sabi sa mga pulis na nakarinig siya ng mga sigaw mula sa kwarto ng kanyang anak na nasa ikalawang palapag rin. Nakita niya umano ang kanyang anak na patakbng lumabas sa kanyang silid na may kasunod na hindi niya kilalang lalaki na nagmamadaling bumaba at lumabas sa pangunahing pinto ng tahanan. Walang nakitang patalim sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima upang biglang lunas ang kanyang tama sa leeg mula sa pananaksak. Sinabi ng pulis na hindi naman delikado ang tama ng biktima. Sinabi nito na hindi niya kilala ang suspek.

Ang suspek ay inilarawan na nasa edarang 20 hanggang 30 anyos, na may taas na nasa 175 cm at may pagka-payat ang pangangatawan at naka-suot ng gray na pang itaas at itim na pantalon. Sinabi ng pulis na ang suspek ay umakyat sa poste at naka-pasok sa loob ng kwarto ng biktima sa pamamagitan ng bukas na bintana sa balkonahe ng ikawalang palapag ng tahanan.

Source: Japan Today

Image: Photo Stock

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo