Arestado ang isang mag-asawa matapos matagpuan ang bangkay ng isang bagong panganak na sanggol sa kanilang tirahan

Labi ng bagong silang na sanggol nakita sa isang tahanan sa Kanazawa City, mga magulang arestado.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspArestado ang isang mag-asawa matapos matagpuan ang bangkay ng isang bagong panganak na sanggol sa kanilang tirahan
(Twitter)

ISHIKAWA (TR) –inaresto ng Ishikawa Prefectural Police ang isang 46 anyos na lalaki at ang kanyang kinakasamang babae matapos matagpuan ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol sa kanilang tirahan sa Kanazawa City, mula sa ulat ng TBS News (July 10).

Bandang ala-1:30 ng gabi nuong Martes, dahil sa isang tip, nag-tungo ang ilang pulis sa tahanan ng mga suspek at duon natagpuan ang nabubulok ng katawan ng sanggol na isinilid sa isang plastic at inilagay sa storage room sa unang palapag ng bahay na nasa Nukaotomaru machi area.

Ayon sa mga pulis, ang sanggol ay ilang buwan ng patay. Hindi alam ang kasarian ng sanggol.

Nuong sumunod na araw, inakusahan ng pulis si Hitoshi Kado at Rie Fukui, 32 anyos at residente ng Nonoichi City sa kasong pag-abandona ng labi ng sanggol. Sinabi ng mga pulis na umamin ang dalawa sa mga alegasyon sa kanila.

Inamin ni Fukui na ipinanganak niya ang sanggol at iniwan ang labi nito.”Binantayan ko ang labi para sa kanya.” sabi ni Kado. “May ginawa ako na hindi dapat.”

Ang usapin ay lumabas matapos kumunsulta ni Kado ukol sa labi ng sanggol sa isang lalaking kapitbahay. Ang kapitbahay ay agad inalerto ang kapulisan.

Iniimbestigahan ngayon ng mga pulis kung ano ang dahilan na nag-resulta sa krimen.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation