Night visitors ng Tokyo Tower makikita ang Milky Way mula sa kisame nito gamit ang projection mapping

Mula Hunyo 1, may 17,000 LED lights ang magi-illuminate sa kisame ng pangunahing deck ng iconic na istraktura sa Minato Ward ng kabisera upang ipakita ang image ng Milky Way.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Kasama ng kamangha-manghang panoramic view ng sprawling Tokyo, ang mga bisita sa Tokyo Tower ay maaaring matamasa ang mga tanawin ng traditional summer delights ng hindi na lalabas at maaarawan.

Mula Hunyo 1, may 17,000 LED lights ang magi-illuminate sa kisame ng pangunahing deck ng iconic na istraktura sa Minato Ward ng kabisera upang ipakita ang image ng Milky Way.

Bukod dito, mayroon din projection mapping sa mga bintana na magpapakita ng mga eksena na pang summer sa Japan tulad ng fireworks display, lumalangoy na mga gold fish at sunflower garden.

Ang mga kinatawan ng media ay binigyan ng sneak preview ng light show noong Mayo 31.

Sa 150 metro, ang pangunahing deck ay may napaka-ganda ng tanawin, ang dagdag na illumination lighting sa gabi ay mas lalo pang nakaka-akit sa mga bisita.

Ang entrance fee sa pangunahing deck ay 900 yen ($ 8.30) para sa mga estudyante sa senior high school pataas, 500 yen para sa mga mag-aaral ng elementarya at junior high school at 400 yen para sa 4-5 taong gulang.

Ang mapping projection ay magsisimula mula 7:30 p.m. araw-araw sa Hunyo at Hulyo at mula 7 p.m. sa Agosto. Ang illumination show ay magtatapos sa Setyembre 1.

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund