Lalake, inaresto dahil sa paglalantad ng kanyang sarili sa mga batang babae sa paaralan at umamin sa pulis na ito ay nagawa na niya ng 100 na beses

Lalake naghuhubad ng pantalon sa harapan ng mga batang babae at biglang tatakbo

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalake, inaresto dahil sa paglalantad ng kanyang sarili sa mga batang babae sa paaralan at umamin sa pulis na ito ay nagawa na niya ng 100 na beses

23 na taong gulang na lalake ay inaresto dahil sa paglalantad ng kanyang sarili sa mga batang babae sa paaralan sa Tokyo at umamin sa pulis na ito ay nagawa na niya ng 100 na beses.

Ayon sa pulisya, ang suspect na si Rentaro Hayashi, ay lumapit sa mga batang babae habang sila ay pauwi mga bandang 7 ng gabi noong Mayo 31 sa Kita Ward. Binaba niya ang kanyang pantalon, inilantad ang ari sa mga batang babae at pagkatapos ito ay tumakbo ng papalayo.

Sinabi ng pulisya na si Hayashi, na nakilala sa pamamagitan ng footage ng surveillance camera ng lugar, ay nagsabi sa kanila na naghuhubad sya sa harapan ng mga batang babae. Ito ay ginagawa na niya mula pa noong Hunyp at mga 100 beses na, madalas sa maiinit na panahon. Inihayag din ng lalake na siya ay nakakakuha ng sobrang kasiyahan sa kanyang sarili sa tuwing makakakita ng mukha ng babae na nagugulat o nasusorpresa.

Source: Japan Today

Image: Ozy.com

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund