Isang lalaking pasyenteng natagpuang may pasak na toilet paper sa ilong at bibig, patay

Isang matandang pasyente ang natagpuang patay at may pasak na toilet paper sa ilong at bunganga nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIsang lalaking pasyenteng natagpuang may pasak na toilet paper sa ilong at bibig, patay
Isang lalaking pasyente sa ospital sa Toyoake City nuong Linggo ang namatay matapos matagpuan na may naka-pasak na toilet paper sa bibig at ilong.(Twitter)

AICHI- Isang lalaking pasyente sa isang ospital sa lungsod ng Toyoake ang natagpuang mayroong nakabarang toilet paper sa daanan ng kanyang hingahan nuong linggo ay kalaunang binawian ng buhay, ayon sa mga pulis mula sa ulat ng Yomiuri Shimbun nuong ika-9 ng Hunyo.

Bandang alas-5:30 ng umaga, isang nurse sa Toyoake Sakae Clinic ang nakakita sa pasyente, 80 anyos, na naka patihayang naka-higa sa taas ng kanyang futon sa loob ng kanyang kwarto na may naka-pasak na toilet paper sa kanyang ilong at bibig.

Ang pasyente ay kalaunang kinumpirmang wala ng buhay ng nasabing ospital, ani ng mga pulis.

Ayon sa mga pulis at ospital, ang pasyente ay ipinasok sa nasabing pasilidad upang makatanggap ng psychiatric care nuong 2015. Mayroong 7 pa siyang kasamang ibang pasyente sa nasabing kwarto.

Isang araw bago siya natagpuan, wala namang napansing kakaiba sa kilos ng pasyente ang nurse na nag-palit ng diaper ng matanda. Wala rin nakitang anu mang kaguluhan sa loob ng kwarto, sabi ng mga pulis.

Ini-imbestigahan ng mga pulis kung ano ang naging sanhi ng pag-panaw ng pasyente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
SIM CARD - GET NOW
Super Nihongo