Isang bata ang nahagip ng tren sa crossing, patay!

Isang bata ang agad na binawian ng buhay, matapos mahagip ng rumaragasang tren sa crossing.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang bata ang nahagip ng tren sa crossing, patay!

 

Ayon sa mga pulis, nabundol ng train si Kekeru Aoki bandang alas-9:30 ng umaga nitong Sabado sa isang crossing sa Tokaido Line, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. Agad na inilipad gamit ang helicopter ang bata upang agad na maidala sa pagamutan sa Shizuoka City, ngunit dahil sa mga pinsalang natamo ng bata ito ay binawian rin ng buhay kina-hapunan.

Sinabi ng drayber ng train sa mga pulis na nakita na niya ang bata na nasa riles mahigit 100 metro pa ang layo nito. Agad naman niyang ginamit ang emergency brake ngunit hindi agad ito huminto.

Nuong mga oras na yun, ang bars sa crossing ay naka-baba na. Ang bata ay nakatira sa malapit lamang. Ayon sa mga ulat ng lokal media, isa sa mga magulang ng bata ang nag-sabi na ang biktimang si Kakeru ay umalis ng mag isa bago pa namalayan ng mga tao sa kabahayan na wala na ang bata.

Source: Japan Today

Image: Wikipedia

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund