Frozen 2, sasagutin ang katanungan kung paano nagkaroon ng kapangyarihan si Elsa.

Malalaman na kung saan nag-mula ang kapangyarihan ni Elsa sa paparating na bagong sequel ng Frozen 2.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspFrozen 2, sasagutin ang katanungan kung paano nagkaroon ng kapangyarihan si Elsa.
Subaybayan si Anna at Elsa sa kanilang adventure upang sagipin ang Arendelle.
(Instagram/disneyfrozen)

Ang trailer ng Frozen 2 ay ipapalabas na at ito ay may mga stunning scenes ni Anna (boses ni Kristen Bell), Elsa (boses ni Idina Menzel) at ang kanilang mga kaibigan sa kanilang mapeligrong adventure upang sagipin ang Arendelle.

Ang opisyal na deskripsyon ng Disney sa sequel ay “Bakit ipinanganak si Elsa na may kapangyarihan. Ang kasagutan ay tinatawag siya at pinag-babantaan ang kanyang kaharian.”

Binalaan na siya ng troll na si Grand Pabbie (Ciaran Hinds) na ang nakaraan ay hindi katulad ng kanyang inaasahan, si Elsa at ang kanyang mga kasama ay nag-patuloy sa pag-punta aa Hilaga upang malaman ang kasagutan.

“Elsa, ang nakaraan ay di tulad ng iyong inaasahan. Kailangan mong malaman ang katotohanan. Mag-tungo ka sa Hilaga, sa kabilang ibayo ng enchanted land na patungo sa lupain ng hindi batid. Ngunit mag-ingat dahil laging pinangangambahan na ang kapangyarihan ni Elsa ay malakas dito sa ating mundo. Sa ngayon, ipanalangin natin na ito ay makaya niya.” ani ng Troll.

Dito ay makikita rin natin ang isang bagong karakter na tinawag na Nokk, kung saan inilarawan ito ng Disney bilang isang “mythical water spirit na nag-aanyong kabayo” kung saan kaya nitong gamitin ang “kapangyarihan ng karagatan upang bantayan ang mga lihim ng kagubatan.”

Ang Frozwn 2 ay inaasahang ipalabas sa ika-22 ng Nobyembre, ito rin ang pav-babalik ng mga direktor na sila Chris Buck at Jennifer Lee kabilang ang mga songwriters na sila Kristwn Anderson-Lopez at Robert Lopez mula sa orihinal na pelikula nuong taong 2013.

Source: CNA Lifestyle

Image: Instagram/ Disney Frozen

Video: Youtube

In this article

Other News


Join the Conversation