UNESCO idadagdag ang Osaka Tombs sa listahan ng World Heritage

Ang UNESCO ay idadagdag sa listahan ng World Heritage ang Osaka Burial Mound.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspUNESCO idadagdag ang Osaka Tombs sa listahan ng World Heritage
Osaka Tomb

Isang pangkat ng sina-unang libingan sa prepektura ng Osaka, kanlurang bahagi ng Japan ay inaasahang mai-dagdag sa listahan ng World Cultural Heritage ng UNESCO.

Nuong Lunes, isang kinakatawan ng tagapag-payo sa UNESCO ay inirekomenda na isama sa listahan ang nasabing libingan.

Ang Mozu – Furuichi Tumulus Clusters ay binubuo ng 49 na libingan. Ito ay ginawa sa pagitan ng huling bahagi ng ika-apat na siglo at huling bahagi ng ika-limang siglo.

Kabilang sa mga ito ay isang hugis key-hole na nitso. Pinaniniwalaang ito ay ginawa para sa isang emperor. Ito ay isa sa pinaka-malaking uri nito sa mundo na may sukat na 486 metro ang haba.

Ang pormal na desisyon sa bagong listahan ay gagawin sa pag-pupulong ng World Heritage Committee na gaganapin sa Azerbaijan sa taong ito.

Ayon sa Agency for Cultural Affairs ng Japan, sila ay makikipag-tulungan sa lokal na komyunidad upang ma-protektahan ang mga libingan mula sa urbanisasyon.

Sa kasalukuyan, ang Japan ay mayroong 18 properties ng World Cultural Heritage at 4 na properties ng World Natural Heritage.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation