Matandang lalaki na pinahinto dahil sa barubal na pag mamaneho, halos 40 taon nang walang lisensya.

Lalaking nahuli dahil sa barubal na pagmamaneho, napag alamang walang lisensya mula pa nung 1978.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMatandang lalaki na pinahinto dahil sa barubal na pag mamaneho, halos 40 taon nang walang lisensya.

Inaresto ng pulis sa Kitakyushu, Fukuoka Prefecture nuong Lunes ang 72 anyos na lalaki dahil sa hinalang pag-labag sa Road Traffic Law dahil sa pag-mamaneho ng sasakyan ng walang lisensya sa loob ng 40 taon.

Namataan ng isang police patrol ang isang kotse na pinatatakbo ng barubal sa Yahatanishi Ward bandang alas-4:15 ng madaling araw ng Lunes, ulat ng Sankei Shimbun. Pinatigil ng pulis ang driver upang tanungin.

Ang driver na si Yutaka Shigemitsu, isang construction worker ay umamin sa mga awtoridad na siya ay matagal nang walang lisensya sa pag-mamaneho ng sasakyan mula pa nuong 1978. Napag-alaman ng mga pulis na ani nito ay masyado raw matrabaho ang pag-aasikaso sa pag-renew ng nasabing lisensya.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund