Doctor, pinaghihinalaang nang molestiya sa 4 na babae habang sumasailalim sa medical exam

Inaresto ng pulisya sa Ota, Gunma Prefecture ang isang 47-taong-gulang na doktor sa hinalang pangmo-molestiya sa apat na kababaihan habang binibigyan nito ang mga babae ng medical examination. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Photo stock

Ota, Gunma

Inaresto ng pulisya sa Ota, Gunma Prefecture ang isang 47-taong-gulang na doktor sa hinalang pangmo-molestiya sa apat na kababaihan habang binibigyan nito ang mga babae ng medical examination.

Ayon sa pulisya, ang apat na kababaihan ay nagtatrabaho sa isang pagawaan ng parts ng sasakyan. Ang mga empleyado ng kumpanya ay pumunta sa klinika ng doktor sa Maebashi para sa taunang pagsusuri sa kalusugan.

Matapos ang medical check-up noong Septiyembre 9, noong nakaraang taon, ang apat na kababaihan na nasa edad na 18, 19, 22 at 25 taong gulang, ay nagsumbong sa senior staff ng kanilang kumpanya na hinipuan at linamas ang kanilang suso habang sila ay sinusuri ng stethoscope, iniulat ni Sankei Shimbun.

Sinabi ng pulisya na ang doktor na si Hideki Yagi, ay itinanggi ang mga bintang sakanya. Sinabi niya na sinuri niya ang mga dibdib ng kababaihan bilang bahagi ng pagsusuri sa kalusugan at isinagawa niya ito sa tamang paraan.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund